
Iginiit ng kampo ni Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez na hanggang sa ngayon ay wala pa ring ebidensya na magsasangkot dito sa maanumalyang flood control projects.
Pahayag ito ng abogado ni Romualdez na si Atty. Ade Fajardo makaraang sabihin ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na inihahanda na ang reklamo laban kay Romualdez kaugnay ng umano’y anomalya sa pambansang budget at flood control projects.
Diin ni Fajardo, reklamo pa lang ang inihahanda ng Ombudsman at wala pang kaso o probable cause laban kay Romualdez at wala pa ring nagtutukoy na pananagutan nito.
Tiniyak naman ni Fajardo ang kanilang kooperasyon at pagrespeto sa mga proseso ng Office of the Ombudsman.
Bunsod nito ay umaasa si Farajdo na tanging ang mga kaso lang na nakabatay sa ebbidensya at due process at may “reasonable certainty of conviction” ang tanging isusulong ng Ombudsman at hindi nakabase sa politika at espekulasyon.










