MANILA, PHILIPPINES – Nagpasaklolo na sa Korte Suprema ang kampo ni Sen. Leila De Lima kaugnay sa mga kinakaharap nitong drug charges matapos masangkot sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison.
Nais ng kampo ni De Lima na magpalabas ang Supreme Court ng status quo ante order sa mga kaso ng senadora sa Muntinlupa Regional Trial Court.
Sa press conference ng legal team ni De Lima, sinabi ni Atty. Phillip Sawali na hindi sumunod sa tamang proseso ang Dept. of Justice at ang Muntinlupa RTC kung saan nilabag nito ang right to due process ng senadora.
Dahil rito, kanila aniyang kinu-kwestyon ang legalidad ng inilabas na arrest order laban sa senadora at pinag-iinhibit sa kaso ang Dept. of Justice.
Muli rin iginiit ng kampo ng senadora na walang huridiksyon ang Muntinlupa RTC para dining ang kaso laban kay De Lima dahil siya ay isang government official.
Ayon naman sa miyembro ng legal team na si Atty. Alex Padilla – mali ang kasong isinampa laban kay De Lima at pinilit na isinampa ang illegal drug trading upang hindi nakapagpiyansa sa senadora.
Ang sunurang tinig nina Atty. Phillip Sawali at Atty. Alex Padilla, legal team ni Sen. Leila De Lima.