Kampo ni Senator Leila De Lima, naghain ng motion sa Muntinlupa RTC na isama si Joel Capones bilang respondent kasong kaugnay sa ilegal na droga

770

Naghain ng mosyon ang kampo ni opposition Senator Leila De Lima sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 256 kahapon na kasuhan din si Joel Capones kaugnay sa ilegal na droga.

Ayon kay Atty. Rolly Peoro, Legal Counsel ni De Lima, inamin umano mismo ni Joel Capones na siya mismo at kanyang mga mayores ang nagbebenta ng droga sa loob ng bilibid at sa labas.


Aniya, kung totoo sana yung War on Drugs ng pamahalaan dapat lahat ng tao na sangkot sa ilegal na droga dapat sampahan ng kaso.

Si Capones ay isa sa mga testigo ng prosekusyon na iprinisenta at sumailalim sa cross examination bilang witness laban kay De Lima sa ginawang pagdinig sa kaso ng senador kahapon sa Muntinlupa RTC branch 256.

Matatandaang naabswelto na ang senadora sa isa tatling kaso nito kaugnay sa ipinagbabawal na droga sa ilalim ng Muntinlupa RTC Branch 305 kung saan tinawag niya itong moral victory.

Facebook Comments