Nagbabala ang kampo ni Vice President Leni Robredo sa planong pagbasura sa visiting forces agreement sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, sinabi ng tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez – posibleng makaapekto sa pambansang seguridad at modernisasyon ng militar ang terminasyon ng VFA.
Ipinunto pa ni Gutierrez na matagal nang tumutulong ang US sa Pilipinas kabilang ang pagbibigay ng intelligence information at armed forces modernization.
Umaasa sila na pag-aaralang mabuti ni Pangulong Rodrigo Duterte, kanyang advisers, AFP at Department of National Defense (DND) ang hakbang na ito.
Nitong Biyernes, sinimulan na ng Pilipinas ang pagpoproseso sa termination ng VFA.