Ilang kumpanya ng langis, magpapatupad ng rollback ngayong linggo

Sasalubong sa mga motorista ang mababang presyo sa produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa abiso, ang Pilipinas Shell ay magtatapyas ng presyo sa kanilang gasolina ng hanggang 30-sentimo kada litro.

May bawas din na 40-centavos sa kada litro ng diesel, at 35-centavos sa kada litro ng kerosene.


Epektibo ang oil price adjustment bukas ng alas-6:00 ng umaga.

Facebook Comments