Kampo ni VP Leni, walang nakikitang epekto sa kontrobersiyang kinasasangkutan ni COMELEC Chair Bautista sa electoral protest ng kanilang kampo laban kay dating Sen .Bongbong Marcos

Manila, Philippines – Kasunod ng kontrobersiyang kinakaharap ngayon ni Commission on Elections Chairman Andres Bautista tiwala pa rin ang kampo ni VP Leni Robredo sa komisyon.

Ayon kay Atty. Bernadette Sardillo, isa sa mga legal counsel ng bise presidente, hindi sila nababagabag sa posibleng epekto sa inihain nilang counter election protest laban kay Dating Sen Ferdinand ‘Bong Bong’ Marcos.

Paliwanag ni Atty. Beng, may tiwala sila sa buong institusyon ng Comelec dahil hindi lamang si Comelec Chairman Andres Bautista ang nagpatakbo ng nagdaang eleksyon.


Sa inihaing election protest ng dating Senador Marcos kinuwestyon nito ang pagkapanalo ni Robredo dahil nagkaroon umano ng dayaan.

Nagpatingkad pa sa reklamo ng dating mambabatas ang nangyaring pagbabago ng hash code sa mga vote counting machines na para sa comelec ay isa lamang cosmetic change at hindi nakaapekto sa resulta ng eleksyon 2016.

Facebook Comments