Kampo ni VP Robredo, naghain na ng komento sa Korte Suprema kaugnay sa apela ni BBM sa poll protest dismissal

Naghain na ang kampo ni Vice President Leni Robredo ng komento sa Korte Suprema kaugnay sa motion for reconsideration ni former Senator Bongbong Marcos.

Partikular sa naging ruling ng Presidential Electoral Tribunal (PET) na ibasura ang election protest ni Marcos laban kay Robredo.

Ang mga abogado ni VP Robredo sa pangunguna ni Atty. Romulo Macalintal ang personal na naghain ng komento sa Korte Suprema.


Sa kanilang comment and opposition, hiniling ni VP Robredo sa Supreme Court na ibasura ang apela ni Marcos dahil sa kawalan ng merito.

Dapat din anilang mag-concede na si Marcos at tanggapin ang kanyang pagkatalo “with grace.”

Ipinaliwanag naman ni Atty. Macalintal na walang basehan ang motion for reconsideration ni Marcos dahil ang “grounds” ay pawang rehashed o paulit-ulit na lamang.

Facebook Comments