Kandidatura ni Senator Bong Go bilang bise presidente sa eleksyon 2022, posibleng mabago pa

968

Inamin ni Senator Christopher “Bong” Go na posibleng mabago pa ang kaniyang kandidatura bilang bise presidente sa darating na eleksiyon 2022.

Sa naging pagbisita nito kahapon sa Antipolo City, sinabi ni Go na malaking hamon talaga sa mga kandidato ang substitution tuwing eleksyon.

Bagama’t kasi nais niya talagang tumakbo bilang bise presidente, wala na siyang magagawa kung hindi ito kagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Hindi naman ipinaliwanag ni Go kung anong mga pagbabago ang kaniyang tinutukoy pero pinayuhan niya ang publiko na hintayin na lamang ang desisyon ng pamilya Duterte at ang kaniyang partido na PDP-Laban.

Samantala, handa naman si Go na suportahan si Davao City Mayor Sara Duterte kung magdesisyon na itong tumakbong pangulo ng bansa.

Una nang iniatras ni Mayor Sara ang kaniyang kandidatura para sa muling pagtakbong alkalde sa lungsod sa darating na 2022 elections.



Facebook Comments