Tuguegaraoeños, Masaya sa Pagbubukas ng SM Downtown Tuguegarao

Tuguegarao City, Cagayan – Tuloy tuloy ang pagdumog ng mga Tuguegaraoeños at mga galing sa karatig bayan sa bagong bukas na SM Tuguegarao Downtown .

Sa pangatlong araw mula nang ito ay magbukas noong Oktubre 12, 2017 ay dagsa pa rin ang ibat ibang mall goers dito.

Sa mga facebook posts ng mga taga lungsod ng Tuguegarao at Lalawigan ng Cagayan ay makikita ang mga ibat ibang larawan sa kanilang pagbisita sa bagong establisyemento.


Dahil dito, ang dating lugar sa Luna corner Mabini Street na malapit sa Tuguegarao People’s Gymnasium at dating city hall na walang masyadong tumatambay ay siya ngayong puntahan ng maraming kabataan at gustong mamayal sa naturang mall.

Ang SM Tuguegarao Downtown ay siyang pang 65 na sangay ng SM sa buong bansa at kauna unahang SM branch sa lalawigan.

Ang sangay na ito ng SM ay pangalawa sa buong rehiyon mula sa nauna nang itinayo sa Cauayan City, Isabela.

Kabilang sa mga pangunahing ataksiyon ay ang SM Hypermarket, SM Appliance Center, Simply Shoes, Watsons, Miniso, ACE Hardware, Surplus, World Balance at BDO.

Kabilang sa makikita sa loob ay ang mga tubong lokalidad na negosyo gaya ng Golden Press, Billy Jack’s Pansit Batil Patung, Baker’s Percent, Cup of Faith, SC Sugar Cane Juice, Ice Kingdom, Frutos, Jio’s Juice Bar.

Isa din sa mga atraksiyon nito sa mga kabataang techies ay ang kanilang IT Zone na libreng makapag internet ng isang oras.


Facebook Comments