Kantang “Hate” ni Michael Pacquiao, kinabog na ang “Bawal Lumabas” ni Kim Chiu

Courtesy: Wish 107.5

Kinabog na ng kantang “hate” ng upcoming rapper na si Michael Pacquiao ang “bawal lumabas” ni Kim Chiu sa paramihan ng views sa Youtube channel ng Wish.

Sa ngayon kasi ay umabot na sa mahigit 9.2 million views and counting ang kantang “hate” ng anak ni pambansang kamao Manny Pacquiao na in-upload noong Agosto 5, 2020.

Nalampasan na nito ang “bawal lumabas” ni Kim Chiu na umabot sa 9.1 million views mula nang in-upload noong Hunyo 5, 2020 sa nasabing Youtube channel.


Halos kalahati rin ang thumbs up o likes ang kaniyang “hate” na umabot sa 501k kaysa sa “bawal lumabas” na nasa 256k likes.

Una na ring nagtrending sa Twitter worldwide si Michael matapos mapansin ng marami at purihin ang galing nito sa pagra-rap sa una nitong kanta na “pac-man” na tungkol sa kaniyang daddy Manny.

Facebook Comments