Muling umani ng kritisismo mula sa mga netizens ang vlog na in-upload ng Youtuber at singer na si Donnalyn Bartolome dahil sa ‘street-themed’ o ‘kanto style’ na birthday party nito.
Kahit marami ang naka-relate sa ginawang selebrasyon ni Donnalyn na mayroong karaoke sa tabing daan, mga monobloc na upuan at mesa, mga street foods, at mga bisitang nakapambahay, mas marami ang hindi natuwa rito.
Ayon sa ilang netizens, ang ‘insensitive’ ni Donnalyn dahil anila ang kahirapan ay hindi isang tema na pwedeng gamitin sa isang party bagkus isa itong problema sa totoong buhay na marami ang nakakaranas.
Iginiit pa ng mga netizens na iba ang simpleng selebrasyon ng mga tao dahil iyon lang ang kaya nila dahil salat sa pera kumpara sa may kakayahan naman gumastos pero gagawin lang simple para may mai-content.
Matatandaan na noong nakaraang buwan lang din ng mabatikos si Donnalyn dahil sa kanyang kontrobersyal na ‘baby-themed’ photoshoot kung saan nagsuot siya ng onesie at bib.
Humingi ng paumanhin si Donnalyn ukol dito pero sa ngayon ay wala pa siyang komento sa panibagong issue na binabato sa kanya.