DZXL 558 Radyo Trabaho, tatanggap ngayong araw ng parangal mula sa Pasay City LGU at PESO

52

Tatanggap ng parangal ngayong araw ang DZXL 558 Radyo Trabaho mula sa Pasay City Local Government Unit at Pasay City PESO (Public Employment Services Office).

Ito’y pagkilala ng Pasay LGU Office of the Mayor, sa malaking ambag ng DZXL 558 Radyo Trabaho na maipalaganap ang mahahalagang impormasyon at kaalaman na may kinalaman sa pagbibigay ng trabaho sa mga Pasayeňo.

Samantala, magkakaroon din ngayon ng ang special job fair bilang bahagi ng selebrasyon sa kaarawan ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano.


Kaya naman hinihikayat ang lahat lalo na ang mga first time job seeker na dumalo sa Pasay City Job Fair ngayong araw sa Cuneta Astrodome.

Nasa 5,000 job vacancies ang maari ninyong aplayan mula sa 50 local at overseas companies.

Magsisimula ang job fair mamayang alas-9:00 ng umaga hanggang alas-4:00 ng hapon.



Mayroon ding one-stop-shop para sa employment requirements tulad ng NBI, SSS, PAG-IBIG at PhilHealth, DTI, PSA at TESDA.

Kaya naman mag-apply na’t magdala ng maraming kopya ng inyong resume at sariling ballpen.


Facebook Comments