Pinaparekonsidera ni Senator Joel Villanueva ang pagpapatupad ng bagong schedule para sa provincial buses na gagawing mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga.
Apela ito ni Villanueva sa Department of Transportation (DOTr), gayundin sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Metro Manila Development Authority (MMDA).
Giit ni Villanueva, dapat palaging alalahanin ang kapakanan ng mga commuter at mga provincial bus operators at drivers sa implementasyon ng bagong provincial bus scheme.
Hiling ni Villanueva, sa nabanggit na schedule ng byahe ng mga provincial bus ay dapat bigyan ng mga maayos at abot-kayang alternatibo ang mga provincial commuter para makabiyahe habang business hours sa Metro Manila.
Pinaalala rin ni Villanueva na bumabangon pa lamang tayo mula sa mga pandemic lockdown at maraming kabuhayan ang nakasalalay sa byahe ng provincial bus.