Kapakanan ng mga Pinoy sa ASEAN Community isa sa mga prayoridad ni PRRD sa pagdalo sa 34th ASEAN Summit

Inihayag ni Mary Jo A. Bernardo-Aragon ang ambassador ng Pilipinas sa Thailand na malaki ang maitutulong ng pagdalo ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 34th ASEAN Summit sa Thailand sa paglago ng buhay ng mga Pilipino sa loob at labas ng bansa.

Sa interview kay Aragon ay sinabi nito na isa ang ASEAN sa mga haligi ng foreign policy ng bansa at sa temang ‘Advancing Partnership Towards Sustainability’ ngayong ASEAN Summit ay mas maisusulong ni Pangulong Duterte ang adbokasiya ng Pilipinas na una nang nailatag sa ASEAN noong Pilipinas ang tumayong Chairman nito noong 2017.

Sinabi din nito na isusulong ni Pangulong Duterte ang pag-protekta sa karapatan at kapakanan ng mga Pilipino sa loob at labas ng bansa lalo na ang mga nagtatrabaho sa mga bansang miyembro ng ASEAN.


Sa katunayan aniya ay isa sa mga prayoridad ng Pangulo ay ang pangangalaga sa interes ng mga migrant workers sa ASEAN Community.

Paliwanag pa ni Aragon, layong iangat ng ASEAN Community ang kabuhayan ng lahat ng mamamayan kung saan walang maiiwan at ang pagkakaroon ng matatag na ekonomiya at social development sa buong rehiyon.

Facebook Comments