Kapalaran ni BI Commissioner Morente nakasalalay sa susunod na Cabinet meeting

Pag uusapan sa susunod na cabinet meeting ang nabunyag na pastillas scheme.

Matatandaang lumabas kasi sa pagdinig ng senado kamakailan na diumano, ang mga Chinese National na pawang mga POGO workers ay binibigyan ng special treatment ng Bureau of Immigration (BI) personnel kapag dumarating sa paliparan ng bansa, kapalit nito ay ang pakimkim o halagang 10libong pisong nakabilot sa papel na tila pastillas.

Ayon kay Presidential Legal Counsel Salvador Panelo ilalatag sa susunod na cabinet meeting ang kasalukuyang sitwasyon ng pamamalakad sa BI ni Commissioner Jaime Morente.


Ibig sabihin, nakasalalay sa magiging resulta ng gagawing cabinet meeting ang kapalaran ni Morente.

Kanina, inansyo ni Panelo na sinibak sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng mga opisyal at kawani ng bureau of immigration na sangkot sa pastillas scheme

Sinabi ni Panelo na ikino konsidera ni Pangulong Duterte ang anomalyang ito bilang isang matinding uri ng korapsyon na hindi kukunsintihin ng gobyerno.

Iginiit pa ni Panelo na walang sacred cow sa administrasyong ito at sinumang opisyal o kawani na nakagawa ng mali sa performance ng kanilang tungkulin ay mananagot sa batas.

Facebook Comments