Friday, September 25, 2026

Kapatid ni Kim Chiu, nakapagpiyansa na sa 124 counts ng Qualified Theft

Pansamantalang nakalaya si Lakambini “Lakam” Chiu, kapatid ng aktres at TV host na si Kim Chiu, matapos makapagpiyansa sa kasong 124 counts ng qualified theft.

Nakapag-post si Lakam ng P5.6 million na surety bond matapos ang kanyang arraignment nitong Huwebes, Setyembre 24. Nakalabas siya sa Quezon City Jail Female Dormitory pasado alas-5:30 ng hapon.

Nag-plead din ng not guilty si Lakam sa mga kasong isinampa laban sa kanya. Kaugnay ito ng umano’y P44.4 million na nawawalang corporate funds ng House of Little Bunny Philippines, Inc.

Una nang itinakda sa P5.8 million ang kanyang piyansa pero ibinaba ito ng korte sa P5.6 million matapos humiling ang kanyang kampo na bawasan ang halaga.

Facebook Comments