
Kinumpirma ng Bureau of Corrections (BuCor) na hinihintay na lamang nila ang pagdating ng opisyal na mga dokumento upang pormal nang mapalaya si Mary Jane Veloso mula sa Correctional Institution for Women (CIW).
Inilahad ng BuCor na dadaan muna sa tamang proseso ang mga papeles na magmumula sa Office of the President patungong Department of Justice (DOJ), bago ito opisyal na maihatid sa kanilang tanggapan at maipasa sa Correctional sa Mandaluyong.
Ito ay matapos ang pormal na paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa absolute pardon para kay Veloso, na naging biktima ng human trafficking at nakulong nang mahigit 14 na taon.
Ayon pa sa ahensya, sa oras na matanggap ng Correctional ang mga kaukulang dokumento, maipagkakaloob na agad sa kaniya ang malayang buhay at pagkakataong makasama muli ang kaniyang pamilya.










