Himalang hindi man lamang naapektuhan ang rebolto ni Sr. Santiago Apostol matapos hagupitin ng napakalakas na hangin at wasakin ang kapilya nito sa Brgy. Dungguan , Datu Montawal Maguindanao madaling araw noong araw mismo ng pag oobserba ng All Saints Day.
Sa ekslusibong panayam ng RMN COTABATO kay FG President at isa sa deboto ng Kapilya na si Jimmy Jacosalem, pasado ala una ng umaga kahapon ng biglang manalasa ang napakalas na ulan na may kasama pang napakalakas na hangin resulta ng pagkakabuwal ng centennial old na puno ng mangga na sinundan pa ng dalawang puno ng nyog at dirediretsong bumagsak sa kapilya.
Dahil dito nawasak ang kapilya at iba pang mga kagamitan sa loob ng sambahan ngunit maswerteng hindi man lamang napano ang santo ni Sr. Santiago Apostol na nooy nakatayo lamang sa altar. Kaugnay nito malaki ang paniniwala ng mga parokyano na nagmilagro ang halos walong dekadang gulang na santo. Sinasabing nagmumula pa ang rebolto sa Cebu.
Bagaman nagpapasalamat , nalulungkot pa rin ang mga parokyano sa pagkakawasak ng halos 80 taong gulang ng kapilya na gawa lamang sa light materials. Umaasa sila na agad na maayos ang sambahan.
Ipinagdiriwang ang kapistahan ng kapilya sa Brgy. Dungguan tuwing July 25 o mas kilala bilang kapistahan ni St. James the Apostle.
NOTE: Ang Photo ng rebolto ay para illustration lamang: pero ung photos ng kapilya ay mula mismo sa mga residente at deboto :