Kapitan ng Isang Barangay sa Isabela, Nilinaw ang Reklamo ng Residente!

Cauayan City, Isabela- Nilinaw ng Kapitan ng Brgy Punit, Benito Soliven, Isabela ang ipinaabot na reklamo ng isang residente sa lugar na umano’y wala pang natatanggap na anumang relief goods mula sa kanilang barangay.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Brgy. Captain Melchor Languido, sinabi niya na hindi madali ang paglabas ng pera sa kanilang pondo dahil mayroon din sinusunod na proseso at hinihintay rin ang abiso ng LGU.

Kaugnay nito, nangako si Capt. Languido na makakapaglabas na sila ng pondo mula sa calamity fund upang makabili na ng mga relief goods na inaasahang maibibigay bukas.


Tiniyak nito na mabibigyan lahat ng relief goods ang nasa 290 na pamilya sa kanyang nasasakupan botante man o hindi.

Depensa naman ng Kapitan na hindi kasalanan ng mga brgy officials ang pagka antala ng pamimigay ng relief goods dahil hihintayin pa ang abiso ng LGU para sa pagbibigay ng rasyon.

Samantala, patuloy pa rin ang kanilang pagbabantay sa kanilang nasasakupan bilang bahagi ng Enhanced Community Quarantine lalo na sa mga Person Under Monitoring (PUM) sa kanilang barangay.

Facebook Comments