KAPULISAN NG ISABELA, NAKIISA SA 1ST QUARTER NATIONWIDE SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL 2025

CAUAYAN CITY – Nakiisa ang mga personnel ng Isabela Police Provincial Office – Provincial Head Quarter (PHQ) sa pagsasagawa ng 1st Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) para sa taong 2025.

Ginanap ang drill kahapon, ika-13 ng Marso sa IPPO Grandstand, Baligatan, City of Ilagan, Isabela.

Sa aktibidad ay muling sinariwa ang Duck, Cover, and Hold technique, at mga paghahandang dapat gawin bago at pagkatapos ng lindol.


Layunin nito na mabigyan ng kamalayan ang mga kalahok at upang magkaroon din ang nga ito ng sapat na skills para sa pagresponde sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Kasama ng kapulisan sa pagsasagawa ng aktibidad ang Bureau of Fire Protection (BFP) – Isabela at ang City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) ng Ilagan.

Facebook Comments