
CAUAYAN CITY – Tumanggap ng educational assistance ang mga BRO-Ed Scholars sa bayan ng San Guillermo at Angadanan.
Ang nabanggit na tulong pang-edukasyon ay para sa ikalawang semester ng ng S.Y. 2023-2024 kung saan nasa ₱3.2 milyong piso ang naipamahagi sa mga mag-aaral.
Maliban sa distribusyon ng educational assistance, nakatanggap rin ng kabuuang halaga na P3.7 milyon ang 1,220 benepisyaryo para naman sa I-RISE program bilang tulong pangkabuhayan.
Kabilang sa mga ito ay ang mga ambulant vendor, food vendor, enterprising PWD, welder, sastre, sapatero, barbero, beautician, butcher, carpenter, stevedore, garbage o junk collector, retired BHW, at masahista.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela kasama sina LPGMA Rep. Atty. Allan U. Ty, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, at iba pang mga lokal na opisyal.