
Pinuri ni Senate President Chiz Escudero ang pag-alalay ng Philippine Embassy sa The Hague, Netherlands kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Partikular na pinasalamatan ni Escudero si Ambassador Jose Eduardo Malaya III at ang buong embassy staff sa kanilang pagkakaisa para matiyak ang kapakanan ng dating pangulo at ng delegasyon na kasama nito.
Ilan sa mga proactive measures na ginawa para sa pagdating ng dating Pangulo sa The Hague ay ang pagbibigay ng winter clothing, care packages, at logistical support.
Sinabi ni Escudero na ang mabilis na pag-aasikaso sa dating pangulo ay pagpapakita ng ating magandang kaugalian na pinanghahawakan bilang isang bansa.
Tinukoy ni Escudero na ang mga embahada natin ay mahalaga para sa pagprotekta sa karapatan at kapakanan ng mga Pilipinong nasa ibang bansa at ang kanilang hindi matatawarang dedikasyon ay nararapat lamang mabigyan ng suporta at pagpapasalamat.