*Cauayan City, Isabela*- Muling magbibigay ng karagdagang 1,000 sako ng bigas ang Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela bilang tulong sa mga apektado ng pag alburoto ng Bulkang Taal.
Ayon kay Ginoong Romy Santos, Media Consultant ng Isabela, ito ay hahatiin sa bawat 500 sako ng bigas na ipapamahagi sa distrito na hawak ni Congressman Vilma Santos at Provincial Government ng Batangas.
Paglilinaw ni Ginoong Santos na 50 kilos bawat sako ng bigas at hindi 25 kilos ang kanilang naunang naipahamagi na.
Dagdag pa ni Ginoong Santos,ang mga bigas na ipapahamagi sa mga apektadong pamilya na nasa mga evacuation centers ay bahagi ng kabubuong Super Cooperative ng Isabela.
Sa kabuuan ay 2,000 sako ng bigas ang naipamahagi na ng Isabela na nakatakdang ibiyahe anumang araw.
Photo Credit: Jenelyn De Castro