Muling nagsampa ng disqualification case ang Task Force Kontra Epal ng Commission on Elections (COMELEC) sa 18 mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election (BSKE).
Ayon sa COMELEC, bigo umano ang mga ito na mag paliwanag at sumagot sa show cause order na kanilang ipinadala.
Ang karagdagang 18 na kandidato ay nakitaan ng paglabag sa Omnibus Election Code tulad ng maagang pangangampanya at pagbibigay ng mga groceries kahit ipinagbabawal na ito.
Samantala, umabot na ngayong araw sa 4,405 na mga show cause order ang ipinadala ng COMELEC sa mga lumalabag na kandidato.
Nakatanggap naman ng 865 na mga sagot ang COMELEC mula sa mga kandidato habang nasa 287 ang kanilang ibinasura dahil sa kawalan ng sapat nakatibayan.
Facebook Comments