Karagdagang 225,000 food packs, ipapadala ng DSWD sa mga naapektuhan ng lindol sa Cebu

Sinimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi sa ikalawang wave ng relief assistance para sa 12 bayan sa Northern Cebu.

Ang naturang mga bayan ay naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol.

Nasa 225,000 family food packs din ang ipapadala ng DSWD sa naturang mga bayan.

Una rito, nakumpleto na ng DSWD ang first wave ng relief distribution na aabot sa 225,000 sa mga apektadong residente.

Ang mga lugar na nabigyan na ng FFPs ay ang Bogo City at mga bayan n Medellin, San Remigio, Daanbantayan, Tabuelan, Sogod, Tabogon, Borbon, Catmon, Sta. Fe, Madridejos at Bantayan.

Facebook Comments