Karagdagang 58 COVID-19 testing centers, planong itayo ng gobyerno

Target ng pamahalaan na madagdagan pa ang swabbing centers para sa mas mabilis na Coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing sa Pilipinas.

Ayon kay Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President & CEO at National Task Force (NTF) for COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon, nasa 58 pang testing centers ang target nilang ipatayo para magkaroon ng kabuuang 78 na pasilidad.

Aniya, kapag nagawa ito target din nilang magkaroon ng 30,000 tests kada araw simula sa May 30.


Binigyang diin ni Dizon ang kahalagahan ng testing para ma-contain ang pagkalat ng naturang virus.

Kahapon nang ininspeksiyon ang isa sa apat na swabbing centers dito sa Metro Manila, ang Palacio De Maynila tent na matatagpuan sa Roxas Boulevard.

Facebook Comments