Karagdagang 753,480 doses ng Pfizer vaccines, dumating na sa bansa

Higit 700,000 doses na karagdagang Pfizer vaccines ang dumating sa bansa kagabi.

Alas-9:03 kagabi nang lumapag ang Air Hong Kong flight LD456, sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA terminal 3 lulan ang 650, 052 doses ng Pfizer vaccines.

Naunang dinala ang 51,480 doses ng naturang bakuna sa Cebu City habang ang bahagi naman nito na 51,480 doses ay ibinaba naman sa Davao City na kabilang sa 753,480 kabuuang dose ng Pfizer vaccines.


Kasama sa sumalubong sina Undersecretary Teodoro Herbosa, Saptarshi Basu – Economic Officer ng US Embassy, at Maria Soledad Antonio, Director, Bureau of International Health Cooperation (BIHC) ng Department of Health (DOH).

Dinala ang mga naturang bakuna sa isang storage facility upang mapanatili ang kalidad nito.

Facebook Comments