Karagdagang appointment slots, binuksan ng DFA sa mga nais kumuha at mag-renew ng passport

Nagbukas ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng karagdagang appointment slots sa lahat ng 36 na Consular Offices at 20 na Temporary Off-site Passport Service sa buong bansa.

Ito’y para sa mga nais kumuha at mag-renew ng kanilang passport.

Nabatid na ipinag-utos ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin Jr., ang pagdaragdag ng mga appointment slots upang mabawasan ang mga backlog o mga dapat ayusin at baguhin.


Nais rin ng kalihim na mapagaan ang proseso ng mga indibidwal na kukuha at magre-renew ng kanilang pasaporte.

Sa abiso ni Undersecretary for Civilian Security and Consular Affairs Brigido Dulay, ang mga slots ay bukas ngayong buwan ng Hunyo hanggang Setyembre ng taong kasalukuyan.

Dagdag pa ni Dulay, hindi na rin kinakailangan pa na maghintay at kailangan na lamang ay mag-apply.

Nabatid na nakaranas ng backlogs sa pagproseso ng passport ang DFA noong makaraang taon dahil sa ilang mga restrictions dulot ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments