MPD, may panawagan sa mga magkikilos-protesta sa araw ng panunumpa ni President-elect Bongbong Marcos

187

Nanawagan ang pamunuan ng Manila Police District o MPD sa iba’t ibang grupo na nagpa-planong magsagawa ng kilos-protesta sa araw ng panunumpa ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas.

 

Hinihimok ni MPD Director Police Brig. Gen. Leo Francisco ang mga magra-rally na makisama na lamang muna at ibigay na lamang muna raw sa bagong halal na pangulo ang araw ng panunumpa nito.

 

Aniya, ang mga rally ay maaari namang gawin sa ibang araw at sa katunayan ay bukas ang mga freedom park sa Maynila para sa mga nais na magdaos ng protesta.


 

Dagdag pa ni Francisco, nakahanda na ang mga pulis-Maynila sakaling sabayan pa rin ng mga rally ang oath-taking ng bagong presidente.

 

Sa katunayan ay mula noong Eleksyon 2022 ay hindi nawalan ng mga pulis na nagbabantay sa iba’t ibang lugar sa Maynila tulad sa Commission on Elections o Comelec.

 

Nanatid na kayang mag-deploy ng MPD ng hanggang 4,000 na pulis, pero may mga naka-standy by naman na iba pang mga pulis mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) sakaling kailanganin pa ang mga ito.



Facebook Comments