Cauayan City, Isabela- Muling ipinaalala ng Provincial Drug Enforcement Monitoring Unit ang mga karagdagang guidelines o patnubay para sa pagpapatupad at pagbeberipika ng mga anti illegal drug operations ng kapulisan.
Batay sa memorandum na inilabas ni PMaj Vicente Guzman Jr., OIC ng Provincial Enforcement Unit ng Isabela, inuutusan ang lahat ng mga unit commanders na dapat ay present sa pagsasagawa ng inspeksyon sa mga drug buybust operations.
Kailangan din na dapat nakalagay ang pangalan ng unit Commanders o hepe sa mga spot report o accomplishments ng kanilang himpilan.
Nakasaad din sa memorandum na sa bawat 500 gramo pababa ng mga nakumpiskang droga, napatunayan man o hindi ay dapat nandun ang presensya ng mga station commanders.
Habang kung 500 grams pataas ay kinakailangan ang presensya ng Provincial Director at ng Chief of Police o hepe.
Kung 1 kilo ang nakumpiska ay kinakailangang i-verify ng Regional Director.
Ito ay upang mapangalaagan ang integridad ng mga ikinakasang drug buybust operations maging ang mga nasasamsam na ipinagbabawal na gamot at maiwasan ang agam-agam na nire-recycle ang mga nakukumpiskang droga.
Mahigpit itong mandato sa bawat hanay ng kapulisan na kailangang sundin ang nasabing kautusan upang hindi mabahiran ang integridad ng kanilang mga isinasagawang operasyon.