KARAGDAGANG KAALAMAN UKOL SA SERBISYONG PANGKALUSUGAN SA KOMUNIDAD NG BARANGAY HEALTH WORKERS SA DAGUPAN CITY, MAS ITINATAGUYOD

Patuloy na itinataguyod sa lungsod ng Dagupan ang karagdagang kaalaman at pagsasanay kaugnay sa mga serbisyong pangkalusugan na inihahatid ng mga Barangay Health Workers ng lungsod sa kani-kanilang komunidad sa pamamagitan ng pagsasailalim ng mga ito sa Roll-out Implementation on the Updated BHW Manual ng Department of Health (DOH) Regional Office 1.
Bilang ang mga ito ay kabilang sa nagpapatuloy na pagsusulong ng Universal Health Care, tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Dagupan na mas mapapabuti pa ng mga ito ang kanilang kakayahan at kaalaman sa pagbibigay serbisyong medical sa mga barangay kung saan sila itinalaga.
Matatandaan na nang ilunsad sa lungsod ang MR-OPV Supplemental Immunization Activity, o ang pagpapabakuna sa mga bata edad apat pababa kontra sa mga sakit na Measles, Rubella at Polio ay nakamit at nalagpasan ang target na 100%.

Samantala, tiniyak ng LGU Dagupan ang patuloy na mga libreng serbisyong pangkalusugan sa mga komunidad man at barangay at inaaasahan umano ang mas kalidad na primary healthcare para sa mga Dagupeñong nangangailangan ng medical na atensyon. |ifmnews
Facebook Comments