Karagdagang P1,000 Handang Ibigay ng SSS!

Cauayan City, Isabela – Handang ibigay ng pamunuan ng Social Security System o SSS ang karagdagang P1,000 para sa mga SSS Pensioners kung maamyendahan lamang ang Executive Order.

Ito ang naging tugon ni SSS Cauayan Branch Head Estrella Aragon kaugnay sa Executive Order o pag-amyenda sa Charter na isinusulong ng SSS ngayon.

Paliwanag ni Mrs Aragon na maibibigay ang karagdagang isang libo kung sakali na may pondo mula sa gobyerno dahil ang unang naibigay na isang libong piso noong taong 2017 sa mga pensioners ay mula mismo sa pondo ng SSS.


Sinabi pa ni Branch Head Aragon na kahit umano idineklara ni Pangulong Duterte ang karagdagang halaga para sa mga pensioners kung wala namang pondo mula sa gobyerno ay hindi rin ito maibibigay.

Dahil aniya kung ang dagdag na isang libo ay mula parin sa pondo ng SSS ay maapektuhan naman na umano ang existing fund ng SSS lalo na sa life term nito na hanggang taong 2032.

At kung sakali umano na mahugot pa muli sa pondo ang dagdag na halaga hanggang taong 2019 ay hanggang taong 2026 na lamang ang life term ng SSS.

Iginiit pa ni Aragon na nararapat lamang ang isinusulong ng SSS na Executive Order o ang pag-amyenda sa Republic Act 8282 o Social Security Law of 1997 upang matupad ang pangako ng Pangulong Duterte na maibigay ang katagdagang benepisyo sa mga SSS pensioners.

Facebook Comments