Karagdagang Pasilidad sa Cagayan, Iginiit

Cauayan City, Isabela- May kakulangan sa mga pasilidad ang lalawigan ng Cagayan sa kabila ng patuloy na pag-akyat ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Ayon kay Dr. Carlos Cortina, Provincial Health Officer, dahil sa dami ng mga nagpopositibo sa virus sa probinsya ay minabuting pagkalooban ng dagdag na P100,000 ang mga barangay at bayan lalawigan para sa pagtatayo ng pasilidad na siyang gagamitin ng mga sasailalim sa quarantine protocols.

Matatandaang nagsimula ang pagkalat ng nasabing sakit sa lungsod ng Tuguegarao dahil sa ginawang social gathering kung kaya’t marami na ring barangay ang isinailalim sa calibrated lockdown o pansamantalang pagsasara ng mga barangay.


Tiniyak naman Dr. Cortina ang tuloy-tuloy na pagbabantay sa lahat ng border checkpoint sa lalawigan upang masigurong ligtas ang bawat taong papasok sa probinsya.

Pinaalalahanan muli ang publiko na ugaliin ang pagsunod sa standard helath protocol para makaiwas sa pagkahawa sa nakamamatay na sakit.

Facebook Comments