Repatriation sa libo-libong OFWs mula sa Middle East, nagpapatuloy

33

Tuloy-tuloy ang pagdating ngayon sa bansa ng malaking bilang ng Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Middle East na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ngayong araw lamang, 1,770 ay sunod-sunod ang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Kaninang umaga, 300 repatriates mula Dubai via Philippine Airlines flight PR689 ang dumating sa bansa

Bago naman mag-alas-2:00 kanina, dumating ang 350 Pinoy repatriates mula Jeddah via Saudia Airlines flight SV862.

320 OFWs din mula Dubai via Emirates Airlines flight EK332 ang darating ngayong alas-4:15 ng hapon.

400 Pinoy repatriates din mula Dubai via Cebu Pacific flight 5J19 ang darating mamayang alas-5:15 ng hapon.

Habang ang huling batch na 400 repatriates mula Amsterdam via KLM Royal Dutch Airlines flight KL875 ay darating naman mamayang alas-6:00 ng gabi.




Facebook Comments