Karagdagang sampung libong food packs para sa mga residenteng apektado ng kaguluhan sa Marawi City, Ipinadala na ng DSWD

Manila, Philippines – Ipinadala na ng Department of Social Welfare and Development ang karagdagang sampung libong food packs para sa mga residenteng apektado ng kaguluhan sa Marawi City.
Ayon kay DSWD Secretary Judy Taguiwalo, aabot sa mahigit dalawampung libong pamilya ang naapektuhan sa kaguluhan kung saan tatlong libong pamilya ang nanatili sa dalawampu’t limang evacuation center na itinayo ng DSWD sa labas ng Marawi City.
Bukod sa relief goods, umaapela rin si Taguiwalo sa mga ina na makapag-dodonate ng breastmilk kung saan marami sa mga inilikas ay mga bagong silang na sanggol na nangangailangan ng gatas ng ina.
Umaapela rin ang DSWD sa publiko na magbigay ng mga makukulay na kurtina, rubber mats, mga laruan para makapaglibang ang mga bata at para makalikha ng child friendly environment.
Paalala ni Taguiwalo, iwasan sana ng mga donor na magbigay ng mga laruan na kamukha ng baboy dahil ang Marawi City ay Islamic City kaya’t ipinagbabawal sa mga Muslim ang pagkain ng karne ng baboy.
DZXL558

Facebook Comments