KARAGDAGANG SUPER HEALTH CENTERS SA WESTERN PANGASINAN, BINUKSAN NA

Mapapakinabangan na ng mga Pangasinense ang bagong bukas na dalawang Super Health Center sa Pangasinan.

Binuksan ang mga SHCs sa bayan ng Bani at Anda na bebenipisyo sa mga residente lalo na sa mga nasa malalayong lugar.

Binigyang-diin ni DOH Ilocos Regional Director Dra. Paula Paz Sydiongco ang pagpaprayoridad sa kalusugan ng mga residente lalo na ang mga nahihirapan na magpunta sa mga ospital.

Saklaw ng naturang health facility ang pagbibigay serbisyo sa birthing care, isolation areas, diagnostic services with laboratory tests, X Ray, ultrasound, pharmacy services, ambulatory surgical units at iba pa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments