Karagdagang supply ng Tocilizumab sa bansa, hiniling na ng FDA dahil sa nararanasang COVID-19 surge

Humihiling na ang Food and Drug Administration (FDA) ng mas maraming suplay ng anti-inflammatory drug na Tocilizumab sa pharmaceutical company na Roche.

Ayon kay FDA Director General at Undersecretary Eric Domingo, lumalaki na ang pangangailangan ng bansa sa nasabing gamot dahil sa nararanasang COVID-19 surge.

Aniya, bukod sa Pilipinas, marami ring bansa ang nangangailangan pero talagang kulang ang suplay.


Dahil dito, isinama na nila sa drug emergency use na maaari silang kumuha ng certificate of product registration habang inaprubahan na rin nila ang generic na component ng Tocilizumab para mas maraming suplay ang makarating sa Pilipinas.

Facebook Comments