Hinimok ni Maguindanao Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu na wakasan na ang karahasan sa Maguindanao at sa buong Bangsamoro Region.
Ang pahayag ng kongresista ay kasunod ng pag-atake ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Datu Paglas sa Maguindanao sa gitna ng banal na panahon ng Ramadan.
Mariing kinokondena ng kongresista ang karahasang idinulot ng BIFF dahil ito ay patunay na walang kinikilala o pinangingilagang Diyos ang mga terorista.
Aniya, ang anumang gawaing terorismo na nagtatago sa relihiyon ay hindi magtatagumpay.
Panahon na aniya para wakasan ang terorismo at karahasan at isulong ang kapayapaan sa Maguindanao at sa buong Bangsamoro Region.
Inaalala rin ng mambabatas ang patuloy na pag-anib ng mga kabataan sa terorismo na kadalasan ay nare-recruit dahil ang mga ama ay mga dating miyembro ng grupo na nasawi rin sa mga kaparehong engkwentro.