Cauayan City, Isabela- Naniniwala ang pamunuan ng 5th Infantry ‘Star’ Division Philiippine Army na mahina na ang pwersa ng mga rebeldeng grupo sa kanilang mga nasasakupan.
Ito ay sa kabila ng halos boluntaryong pagsuko ng mga unang nahikayat ng mga rebelde gaya na lang ng tatlong dating miyembro ng NPA na sumuko kamakailan sa militar.
Sa panayam ng iFM Cauayan kay Army Major Jekyll Julian Dulawan, DPAO Chief, ilan sa mga paraan ng rebeldeng grupo na makapanghikayat ay ang paghingi ng tulong sa mga taong kulang sa kaalaman gaya ng katutubong Agta hanggang sa hindi nalang pakawalan at maging bahagi na ng rebelde.
Aniya, ilan din sa mga itinuturing na human rights advocate ay siya rin namang nangunguna bilang violator gaya ng prenteng grupo na ‘Karapatan Cagayan Valley’
Ayon pa kay Dulawan, kung talagang karapatan ng mga tao ang tinitingnan ng grupo ay dapat tumulong sila hindi ang manguna sa maling gawain.
Tahasan rin sinabi ng opisyal na hindi lingid sa kaalaman ng nakararami ang maraming kasapi ng katutubong Agta sa palibot ng Sierra Madre na mas madali umanong mahikayat ng mga NPA dahil sa kakulangan ng impormasyon.
Hiniling naman nito na sana ay madagdagan pa ng mas marami ang mga boluntaryong sumusuko sa pamahalaan.
Karapatan Cagayan Valley Organization, Umano’y Human Rights Violator- Maj. Dulawan
Facebook Comments