Camp Melchor F. Dela Cruz, Upi, Gamu,Isabela – Kasinungalingan ang ipinapakalat ng KARAPATAN Cagayan Valley na nandukot umano ang 86th IB, 502 nd Brigade, 5ID Philippine Army ng dalawang magsasaka sa Echague, Isabela.
Ito ang katugunan 5ID, Philippine Army sa mga social media posts ng naturang grupo sa pamamagitan ng pahayag na ipinaabot ng kanilang Division Public Affairs Office na si Captain Jefferson Somera.
Ang ipinapakalat umano ng KARAPATAN ay pawang kasinungalingan upang ilagay lamang sa hindi magandang impresyon ang militar ayon sa commanding general ng 5th Infantry Division na si Maj. Gen. Paul Talay Atal.
Ayon sa ibinahaging impormasyon ng 5ID sa RMN News Team, ang dalawa ay sina Roberto Dalupang Jr, 17 anyos at Oliver Molina, 26 anyos na parehong taga Purok 3, Barangay Diasan, Echague, Isabela ay buluntaryong lumapit sa 86th Infantry Battalion na nakabase sa naturang bayan noong November 12, 2017 at kanilang inihayag ang intensiyong sumuko.
Sinabi naman ni Lieutenant Colonel Remigio Dulatre, Commanding Officer ng 86IB na umamin ang dalawa na nasa ilalim sila ng pamumuno ng isang Joshua na nauna nang nakasagupa ng 86IB bago ang naturang pagsuko.
Kalaunan ay ipinasakamay din sa hanay ng kapulisan ng Echague, Isabela ang dalawa para sa pakikipag ugnayan sa kani-kanilang kamag- anak at kaukulang proseso ng dokumentasyon.
Samantala, sa naturan ding kalatas ng 5ID ay muling nanawagan si Maj. Gen. Atal sa mga komunista na bukas ang Comprehensive Local Integration Program ng pamahalaan anumang oras na nais nilang mamuhay ng mapayapa at malayang
makihalubilo sa lipunan.