Karapatan ng mga Out of School Youth, palalakasin ng Kamara

Mas palalakasin ang karapatan ng mga Out of School Youth o OSY matapos na aprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ang “Magna Carta of Out of School Youth “.

Sa botong 170 na pabor at walang pagtutol ay inaprubahan ang House Bill 9103 na layong bigyan ng proteksyon at bigyang karapatan ang mga Out of School Youth.

Sa pamamagitan ng panukala ay magtatatag ng inter-agency council na siyang maghahatid ng kinakailangang serbisyo at benepisyo ng mga Out of School Youth.


Bukod sa pagkilala sa karapatan ng mga OSY ay magbibigay din ito ng alternative learning system at programa para sa technical at vocational education upang mahikayat ang mga ito na makaambag sa pagunlad ng lipunan.

Magtutulungan naman ang TESDA, DTI at DOLE para sa pag-aaral, pagsasanay at pagbibigay ng disenteng trabaho para sa mga out-of-school-youth na magtatapos ng technical at vocational courses.

Ang out-of-school-youth ay mga nasa edad 15 hanggang 30 taong gulang, walang trabaho, at hindi nakapagtapos ng kolehiyo o kahit anumang post-secondary course.

Facebook Comments