Karapatan ng OFWs sa Hong Kong, tiniyak ng Hong Kong government

Tiniyak ng Hong Kong labor department na poprotektahan nito ang mga karapatan ng Overseas Filipino Workers sa bansa nila sa kasagsagan ng pagsipa ng COVID-19 cases.

Ito ay matapos nagpaalala ang gobyerno ng Hong Kong Special Administrative Region sa legal obligations ng employers na alagaan ang kanilang empleyado kahit sila ay tinamaan ng virus.

Nagbabala rin ang HKSAR na hindi nila palalampasin ang employers na iligal na pinapaalis ang kanilang mga empleyadong positibo sa COVID-19 na siyang paglabag sa kanilang Employee Ordinance.


Ang employer na mapapatunayang lumabag dito ay maaaring magmulta ng hanggang 100,000 US dollars.

Tinatayang nasa 330,000 foreign domestic helpers sa Hong Kong kung saan karamihan dito ay nagmula sa Pilipinas at Indonesia.

Facebook Comments