May supply na ng karneng baboy na for sale ngayon sa Naga City People’s Mall.
Ito ay matapos magkaroon ng pakikipag-usap sa pagitan ng mga meat vendors at ng mga opisyal ng pamahalaang lungsod ng Naga.
Ayon sa panayam ng DWNX kay Ate Carolina at iba pang mga meat vendors, kahapon, pumunta sila sa opisina ni Mayor Legacion upang ipaabot ang kanilang concern kaugnay ng pagbebenta ng karneng baboy sa mga pamilihan sa Naga City. Idinagdag pa niya na nagkaroon ng rekomendasyon na pwedeng kumuha ng supply sa isang hog raiser sa bayan ng Milaor na katabi lamang ng Naga City at hindi pa apektado ng ASF.
Tumawag umano ang pamunuan ng Naga City sa may-ari ng babuyan sa Milaor at nakipag-usap ito kung pwedeng magkatay ng kanyang mga alagang baboy para maibenta sa Naga City. Pumayag naman ang hog raiser na kinilalang si Mr. Atoy kung saan iinspeksiyunin ng DA at NMIS ang proseso.
Napagkasunduan na mga alagang baboy lamang ni Mr. Atoy ang kakatayin at gagawin ang pagkatay sa compound mismo ng babuyan sa bayan ng Milaor.
Kaya umpisa ngayon araw, may pabenta ng karneng baboy sa Naga City People’s Mall meat section sa kabila ng deklarasyon ng pamunuan ng Naga City na ipasara sa loob ng dalawang linggo ang Naga City Abattoir kung saan ipinagbabawal ang pagkatay ng baboy sa nasabing lugar.
Kahapon ay wala ni isa mang nagbebenta ng karneng baboy sa Naga City bunga ng utos ng Naga City government na itigil simula noong araw ng Linggo ang pagkatay ng baboy sa Naga City Abattoir dahil sa kontaminasyon ng ASF sa Naga City area.
Datapwa’t may mga ibinebenta ng karne ng baboy sa Naga City, hindi lahat ng meat vendors ay nakakakuha ng supply sa Milaor. May impormasyon na nakarating sa DWNX na hindi lahat ng mga meat vendors ay nakakabenta ng karneng baboy sa mercado publiko ng Naga City. Tanging ang mga dati ng sinusuplayan ni Mr. Atoy ang mga makaka-order ng kinatay na baboy para maibenta sa palengke. Ibig sabihin, yong mga meat vendors na dati ng kumukuha sa ibang source ng kanilang pabentang karne ng baboy ay hindi nakaka-order sa hog raiser sa Milaor.
Karneng Baboy Available Na Ngayon sa Naga City Market, Kahit Ipinatigil ang Pagkatay sa Naga City Abattoir
Facebook Comments