Karpintero sa Benito Soliven, Nahaharap sa Kasong Bigong Pagpatay!

Benito Soliven, Isabela – Nahaharap ngayon sa kasong bigong pagpatay ang isang karpintero matapos na hulihin ng mga otoridad dahil sa isinilbing warrant of arrest nito sa Brgy. District 2, Benito Soliven, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Polce Senior Inspector Glanery Cabeliza, imbestigador ng PNP Benito Soliven, aniya ang akusado ay kinilalang si Rafael Agcaoili Calautit, 60 years old, may asawa at residente ng Brgy. Maluno Norte, Benito Soliven, Isabela.

Ipinalabas naman ni hukom Rodolfo Dizon ng RTC Branch 18 City of Ilagan ang mandamiento de arresto ni Calauti dahil sa kasong Frustrated Homicide.


Makakalaya lamang ang akusado kung makakapaglagak ito ng piyansang nagkakahalaga ng pitumpu’t dalawang libong piso (Php72,000.00)

Ang naturang akusado ay dinala na sa Benito Soliven Police Station para sa dokumentasyon bago ang nakatakdang pagharap nito sa korte.

Facebook Comments