Salpukan ng Trailer Truck at Motorsiklo, Isa ang Patay at Sugatan!

Echague, Isabela – Patay ang isang estudyante at sugatan naman ang back rider nito matapos na matumbok ang kanilang sinakyang motorsiklo sa nakasalubong na trailer truck sa Brgy. Soyung, Echague, Isabela.

Ang nasawing biktima ay nakilalang si Jefferson Herbacio, labing anim na taong gulang, residente ng Brgy. Distict Sales, Quezon, San Isidro, Isabela habang sugatan naman ang back rider nito na si Aljon Mindaros.

Kinilala naman ang suspek o drayber ng trailer truck na si Marcelo Salonga Cruz, animnapu’t apat na taong gulang, may asawa, at residente ng Norzagaray, Bulacan.


Sa pakikipag-ugnayan ng RMN Cauayan kay PO2 Hanzel Dela Cruz, ang imbestigador ng PNP Echegue, sinabi niya na sa isinagawang inisyal na imbestigasyon ay patungong Tuguegarao City Cagayan ang truck at pagdating sa naturang lugar ng aksidente ay natumbok nito ang motorsiklo.

Aniya hindi umano nagbigayan ng linya ang truck at motorsiklo kaya’t sa lakas ng impak ng banggaan ay nasawi naman ang drayber ng motor at ikinasugat ng kasamahan nito.

Ang dalawang sasakyan ay dinala na sa himpilan ng Echague para sa karagdagang imbestigasyon.

Facebook Comments