PDRRMO ng Davao del Norte, Bumisita sa PDRRMO Isabela!

Isabela – Bumisita kahapon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO ng Isabela ang PDRRMO ng Davao del Norte upang malaman ang mga paraan na ginagawa ng lalawigan sa pagiging National Gawad Kalasag Award nito sa magkakasunod na tatlong taon.

Naging bukas naman ang pamunuan ng PDRRMO sa pagbahagi ng mga stratehiya, paraan at paghahanda sa lahat ng klase ng kalamidad sa lalawigan ng Isabela.

Samantala, nagbigay naman ng financial assistance ang provincial government ng Davao Del Norte sa LGU’s ng Isabela na para sa mga nasalanta ng bagyong ompong.


Kaalinsabay din umano ang personal na pasasalamat ng Davaoeños sa itinulong ng Northern Luzon ng mga nagdaang kalamidad sa probinsya ng Davao.

Facebook Comments