Karton-kartong Pekeng Sigarilyo, Nasamsam sa Chinese National

Cauayan City, Isabela-Arestado ang dalawang negosyante kabilang ang isang Chinese National matapos salakayin ng mga awtoridad ang ipinuslit na pekeng mga sigarilyo na nasa isang bodega sa Santiago City kahapon.

Kinilala ang mga suspek na si Tonron Ferrer Quejada, 23-anyos, Assistant Manager at tubong Lourdes, Cabanatuan, Nueva Ecija na kasalukuyang naninirahan sa P-5 Mabini, Santiago City at si Fubin Huang, 25-anyos, Manager na kasalukuyan namang naninirahan sa Cauayan City.

Pasado 11:30 ng umaga kahapon ng salakayin ng mga awtoridad ang warehouse kasama at Bureau of Customs at kinatawan ng Japan Tobacco Inc. (JTI) Corp Mr. James Caton Dela Cruz sa bisa ng Letter of Authority na nagresulta naman ng pagkakaaresto sa mga suspek.


Nakumpiska sa warehouse ang mga pekeng sigarilyo na 81 karton ng Marvel Filter King at 5 karton ng Migthy Green na nagkakahalaga ng mahigit sa P2,000,000.00 sakay ng isang forward truck.

Nang halughugin ang nasabing bodega ay tumambad sa otoridad ang mga kanilang itinitindang laruan, plastic wares at karton-karton na pekeng sigarilyo.
*tags: 98.5 iFM Cauayan, 98.5 RMN, PNP Santiago City, Bureau of Customs, Isabela, Luzon*


Facebook Comments