KASAMA MO | Mga pulis, namahagi ng food packs sa evacuees

Marikina City — Pinangunahan ni NCRPO Director PC/Supt. Guillermo Eleazar ang pamimigay ng food packs sa evacuation area sa Malanday Elementary School sa Marikina City.
Halos isang libong grocery items ang pinamahagi ng mga pulis para sa mga pamilyang binaha dahil sa halos walang patid na pagulan nitong nakaraang weekend.
Kasunod nito, tiniyak ni Eleazar na kumikilos ang PNP, tulad nalang ng papatrolya sa mga apektadong lugar para makaiwas sa insidente ng nakawan.
Bukod pa rito, tuloy-tuloy din aniya ang kampanya ng PNP laban sa iligal na droga at paghuli sa iba pang suspek na sangkot sa ibat ibang kriminalidad sa lungsod.

Facebook Comments