Kasapi ng Task Force on Environment sa Isabela, Dinukot at Pinatay ng mga NPA!

City of Ilagan, Isabela – Dinukot ng New Peoples Army (NPA) ang tatlong kasapi ng Provincial Task Force on Environment, kung saan isa ang pinatay samantalang pinakawalan ang dalawang kasama nito kasabay ng pagdis-arma sa dalawang kapulisan ng Divilacan Police Station kaninang umaga sa Sitio Lagis, Barangay Sindon Bayabo, Ilagan City.

Batay sa ekslusibong nakalap ng 98.5 iFM Cauayan, kinilala ng PNP Ilagan ang mga dinukot ng NPA na sina Carlos Dumaya, Dadong Lung-ayan at Celso Asuncion na mga kasapi ng Task Force on Environment.

Matapos dukutin ang tatlo ay agad na binaril ng apat na beses si Celso Asuncion sa kaniyang dibdib ng mga miyembro ng NPA Reynaldo Piñon Command ng Central Isabela.


Samantala, pinakawalan naman ang dalawang kasama ni Asuncion.

Nakuha na ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang bangkay ng biktima at kasalukuyan ng iniimbistigahan ang pinangyarihan ng insidente.

Ang Isabela Provincial Task Force on Environment ay isang multisektoral na pangkat na nakatalaga upang bantayan at protektahan ang kabundukan ng Sierra Madre.

Facebook Comments