KASO GAWA-GAWA LANG? |Tangkang pag-aresto kay George San Mateo, pinalagan

Manila, Philippines – Kinokondena ng grupong Bagong Alyansang Makabayan ang tangka ng PNP na maghain ng arrest warrant laban kay PISTON National President George San Mateo kagabi sa tanggapan ng Kilusang Mayo Uno.

Ayon kay Bayan Sec. Gen. Renato Reyes, gawa-gawa lamang ang kaso na paglabag sa Public Service Act na inihain ng LTFRB laban kay San Mateo.

Matatandaang pasado alas-nueve kagabi nang magtungo sa opisina ng KMU ang mga pulis para isilbi ang mandamyento de aresto pero hindi nila inabutan si San Mateo dahil matagal na pala itong hindi nag oopisina sa KMU central office.


Giit ni Reyes, layon ng arrest warrant na takutin ang mga kontra sa jeepney modernization program na anila’y kontra maka mahirap.

Ang kaso ay may kaugnayan sa paglabag ni San Mateo sa Section 20 at Section 24 ng Public Service Act makaraang udyukan ang ibang mga tsuper at operator ng jeepney na mag tigil-pasada noong February 27, bilang protesta sa Jeepney Modernization program na nagdulot ng matinding perwisyo sa mga commuters.

Facebook Comments